Ang Labanan sa Pasong Tirad ay isa sa mga labanan ng Pilipino at Amerikano kung saan ang namuno sa mga Pilipino ay si Hen. Gregorio del Pilar.
Gregorio del Pilar
Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay isinilang sa Bulakan, Bulakan noong Nobyembre 14, 1875 kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio.
Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni del Pilar natimo ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo subalit sumiklab ang apoy.
Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero at sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.
Dagdag kaalaman
Unang araw ng Disyembre nang mapasailalim ang Concepcion sa mga Gringo. Ang Kabundukan ng Concepcion ay Tirad, na kasalukuyan sina Aquinaldo, Del Pilar at kanilang rebolusyonaryo'y patuloy ang pagtakas sa dahilang pag habol sa kanila ng tropa ni Major Peyton March na may "nom de guerre", January Galoot. Karamihan sa mga sundalong Gringo ay beterano ng "Indian Wars" at nakakarami dito'y mga "sharpshooters". Napabalita na mayroong napatay na 53 rebeldeng Pilipino at kabilang dito ay si Heneral Del Pilar.
Welcome to "Tungkol sa Pilipinas | Ang Bayan ng lupang aking sinilangan!"
Ang blog na ito ay naglalaman ng mga koleksyon ng kasaysayan, magagandang tanawin, mga bayani at iba pang kaugnayan tungkol sa pilipinas.
Maraming salamat sa pagbisita sa blog na ito
"Pilipinas, Ang baya ng lupang aking sinilangan"
Paanyaya: Inaanyayahan ang lahat ng magbabasa na kung maaari ay mag-iwan ng kahit maikling mensahe sa bawat dulo ng bawat paksa. Ito ay upang maiparating sa sumulat kung ano ang kaniyang mga pagkukulang o kung ang wastong daloy ang naipatupad sa mga tagalog na tula. I-click lamang ang link (Post a Comment) na nasa ibaba ng bawat paksa.
Blog Archive
- December (35)
Karangalan kung malaman ang iyong botong bayani dito sa listahan.
Followers
Blog Stats
Kung meron kayong nais ipadala na mga paksa, mga larawan at iba pang kaugnayan tungkol sa pilipinas, ipadala jproudpinoy@gmail.com
Sunday, December 18, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment