Sunday, December 4, 2011

Pananakop ng mga Hapon

Posted by admin at 3:48 AM
Ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay sinimulan sa pambobomba ng mga Hapones sa iba't ibang dako ng bansa. Matapos ito, umahon ang mga pwersa ni Heneral Masaharu Homma. Di nagtagal sumuko din ang mga Amerikano at Pilipino sa iba't ibang panig ng Luzon, Visayas at Mindanao. Ang labanang ito ay tinawag na Labanan sa Pilipinas.


Pamahalaang Militar ng mga Hapones

Noong ika 3 ng Enero 1942 kaagad itinatag ni Heneral Masaharu Homma ang isang administrasyong militar ng mga Hapones. Ito ay pinamumunuan ng isang Direktor Heneral. Layunin nitong pangasiwaan ang pampulitika, pangekonomiya at pangkulturang gawain ng Pilipinas.
Ang administrasyong militar ay nagpatupad ng kautusang nagmula pa sa Tokyo. Kabilang sa mga ito ang pagkakaroon ng Curfew at Black out sa Maynila. Ipinahayag nito ang batas militar. Ang mga baril at armas ay kinukumpiska nila. Anumang pagkilos laban sa mga Hapones ay tinutumbasan ng kamatayan. Ipinahayag ng militar na sa bawat isang Hapon na mapapatay ay tutumbasan ito ng pagpatay sa sampung prominenteng Pilipino. Ang mga mamamayan ng mga bansang kasapi sa Allied Powers ay inilalagay sa Concentration Camps sa Baguio, Los Banos, Maynila at iba pa.

Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas

Noong ika 23 ng Enero,1942 itinatag ng mga Hapones ang Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas (Philippine Executive Commission). Ito ay nagsisilbing sangay tagapagpaganap ng pamahalaang Hapones sa Pilipinas. Ang komisyong ito ay pinamumunuan ni Jorge B. Vargas, Alkalde ng Maynila, ay may anim na kagawaran: Panloob, Katarungan, Pananalapi, Edukasyon, Kalusugan at pampublikong Kapanganakan, Pampublikong Paggawa at Komunikasyon. Ang bawat Kagawaran ay pinamumunuan ng Pilipinong komisyanado at may kaniya-kaniyang tagapayong Hapones. Naglagay ng mga Tagapayong Hapones upang magmanman sa ikinikilos ng mga opisyal at masigurong hindi laban sa Hapon ang mga ipinatutupad na programa. Bumuo rin ang mga Hapones ng Konseho ng Estado na nagsisilbing tagapayo at katulong ng Philippine Executive Commission.


Itinatag ang Commonwealth Government noong 1935 upang magkaroon ng sariling pamamalakad ang mga Pilipino subalit ito’y ginulo ng World War II at ng pananakop ng mga Hapon.
December 7, 1941, inatake ng Hapon ang Pearl Harbor at Clark Air Base
December 10,1941, lumapag ang puwersang Hapon sa Luzon.
January 2, 1942, sapilitang sinakop ng Hapon ang Maynila.
 April 9, 1942, ang mga kawal Pilipino at Amerikano sa Bataan ay sumuko kay Gen. Yamashita.
 Karamihan sa 36,000 na mga tagapagtanggol ng Bataan ay namatay sa di-makataong Death March. 
October 20,1944, ang mga puwersang Amerikano ay bumalik sa pulo ng Leyte.
October 23,1944, muling naibalik ang Commonwelth Government ng Pilipinas.
January 9,1945, pinasok ng US forces ang Pilipinas sa pamumuno ni Gen. Douglas MacArthur na dumating sa Maynila noong February 4 at nabawi ito sa loob ng tatlong linggo. 
July 4,1946, nang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos sa ilalim ng probisyon ng McDuffie-Tyding's Act noong 1934. 
July 5, 1945, ipinahayag ng Washington ang muling pagkabawi ng Pilipinas.

0 comments:

Post a Comment

 

Copyright © 2011 Tungkol sa Pilipinas - Kasaysayan, Mga Bayani, Magagandang tanawin All Rights Reserved