Sunday, December 4, 2011

Ano ang kasaysayan?

Posted by admin at 4:05 AM
Ang kasaysayan ay mga nakatakang pangyayari na naganap sa nakaraan tungkol sa isang tao, institusyon o lugar.

Ang kasaysayan ay nagsisilbing paalala at tulong sa atin upang maging mabuting mamamayan. Makatutulong din sa bawat Pilipino na maging mabuting bahagi ng kasaysayan ng bansa.

Dapat nating pagyamanin ang ating kasaysayan dahil maraming magagandang bagay ang maitutulong nito sa ating bansa. Nararapat lang na ating pahalagahan ang mga taong nagpamalas ng kanilang tapang at husay, at ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay.

Mga Disiplinang Panlipunan:


Agham pulitikal – pamhalaan at pulitika
Ekonomiks – agham ukol sa paglikha, pamamahagi at paggamit ng yaman,   kalakal at serbisyo
Sosyolohiya – pag-aaral ng pag-unlad, kultura, at pundasyon ng lipunan
Heograpiya – pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo
            1. Anyong lupa, anyong tubig
            2. Panahon
             3. Likas na yaman
             4. klima
Antropolohiya – agham tungkol sa pinagmulan, pag-unlad nang sankatauhan
            1. Pangbayolohikal – fossils, labi
            2. Arkeolohikal – artifacts
            3. Sosyokultural – pananaliksik
               4. Wika
Sikolohiya - pag-aaral ng pagiisip ng tao
                    
                     1.Personalidad – andar ng isip
            2. Motibo – hangarin sa buhay
            3. Perception – stimuli
            4. Sariling kakayahan

0 comments:

Post a Comment

 

Copyright © 2011 Tungkol sa Pilipinas - Kasaysayan, Mga Bayani, Magagandang tanawin All Rights Reserved