![]() |
Rebulto ni Lapu-Lapu sa Pulo ng Maktan sa Pilipinas. |
Si Lapu-Lapu ay isang datu sa isla ng Maktan. Nang dumating si Fernando de Magallanes para basbasan ang mga tribu ng Kristiyanismo, tumutol si Lapu- lapu at nakipaglaban sa kanila.
Walang naitala tungkol sa kapanakan ni Lapu-lapu maliban sa kanyang mga magulang na sina Kusgano at Reyna Bauga. Ang magkapatid na Abnaw at Mausug ang kanyang kanang-kamay at pinakamatatalik na kaibigan. Siya ay nagpakasal kay Prinsesa Bulakna, ang magandang anak ni Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng isang anak na lalaki, si Sawili.
Bilang isang pinuno ng Maktan, si Lapu-lapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapu-lapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at pamilya Lapu-Lapu (Lapulapu). Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapu-lapu sa kanyang alok.

Walang nakatiyak ng kamatayan ni Lapu-lapu subalit ang kanyang tagumpay sa paglaban sa dayuhan ay isang kabayanihang naitala sa kasaysayan ng Pilipinas at sirkunabigayson ng daigdig.Ang kanyang mga kaanak ay matinding tinakot ng mga sumunod na mananakop dito sa Pilipinas.Isang napakalungkot na kasaysayan dahil kung tutuusin sila ang mga tunay na nagmamay-ari ng halos lahat ng lupain sa Mactan, Cebu at karatig isla nito.
Matagal na panahong nanatiling tikom ang mga bibig ng mga kaanak at taga-pagmana ni Lapu-lapu.Ito na rin ay dala ng pangamba na sila ay maaring kitilan ng buhay ng mga mananakop particular na ang mga Kastila at Hapon.Sa panahon mga Amerikano ay nabigyan nga panibagong kapayapaan, at kalayaan ang mga kaanak nito. Naibalik nila ang kanilang tunay na pangalan at apelyido at unti-unting ibinalik at ibinabalik ng mga misyonaryong Amerikano ang tunay na mga pag-aari , yaman, pamanang-bagay ,at lupain ng mga nitibong ito.Sila ay kinikilalang isa sa mga Unang pamilya dito sa Pilipinas.At pangunahin sa nagrereynang siyudad ng timog.
0 comments:
Post a Comment