Ang Pilipinas ay nagkaroon na ng labing-limang pangulo. Sa kabila ng pagkakaiba sa saligang-batas at ng pamahalaan, itinuturing na walang hinto ang pagkasunod-sunod ng mga pangulo. Halimbawa, ang kasalukuyang pangulo, si Benigno Simeon Aquino, ay itinuturing na panglabing-limang pangulo.
Habang kinikilala ng Pilipinas si Aguinaldo bilang unang pangulo, hindi siya kinilala ng ibang bansa dahil bumagsak ang Unang Republika sa ilalim ng Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Manuel L. Quezon ang kinilala bilang unang pangulo (at ang una na nanalo sa halalan — hinirang lamang si Aguinaldo) ng Estados Unidos at pandaigdig na kapisanang pangdiplomasya at pampulitika.
Nagkaroon ng dalawang pangulo ang Pilipinas sa isang punto sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kumakatawan sa dalawang pamahalaan. Isa ay kay Quezon na kumakatawan sa pamahalaang komonwelt at ang isa ay kay Jose Laurel na kumakatawan sa pamahalaang itinaguyod ng mga Hapones.
Kasalukuyang may isang patnugot na nagbabago ng sa loob ng ilang saglit. Tinatawag itong isang malaking pagbabago.
Pakiusap lamang na huwag munang baguhin ang lathalaing ito. Ang taong nagdagdag ng pabatid na ito ay ipapakita sa kasaysayan ng pagbabago ng lathalaing ito. Kung matagal na hindi pa nababago ang artikulong ito, pakitanggal ang suleras na ito at pahintulutang mabago ng iba pang mga Wikipedista. Nakakatulong ang mensaheng ito sa pag-iwas sa mga pagsasabayan ng pamamatnugot ng isang pahina.
0 comments:
Post a Comment