Pananakop ng mga Español
- Paglunsad ng mga eksplorasyon
Maraming mga bagay at dahilan ang nag-udyok sa mga Europeo upang tumuklas at manakop ng mga lugar na hindi pa kristiyanado.
Isa sa mga dahilang ito ay ang mga krusada. Ito ang ekspidisyong ipinadala ng mga kristiyanong bansa sa Europa, sa Gitnang Silangan upang agawing muli sa mga Muslim ang “banal na lupain”. Kahit hindi nagtagumpay ang krusada sa layuning nito, nakita ng mga mandirigmang europeo ang mga kayamanan at produkto ng Silangan. Nagkaroon ng bagong panlasa at interes ang mga Europeo sa pamumuhay at mga karangyaan ng mga nakadigmang taga- Silangan. Nauso ang paggamit ng mga rekadong gaya ng cinnamon, paminta, luya at iba pa. Isang malaking negosyo ito kung matutunton ang pinanggalingan ng mga rekadong ito. Gayunpaman, monopolyo ng mga taga-Venice ang pag-angkat at pamamahagi sa Europa ng mga bagay mula sa Silangan. Nang bumagsak noong 1453 ang Constantinople sa mga Turkong Muslim,tanging mga mangangalakal na taga-Venice lamang ang pinahintulutang makadaan sa Dagat Madeterano. Ito ay dahil ang mga taga-Venice ay pumanig sa mga Muslim sa pakikidigma nito sa mga Griyego. Ang paghahangad na was akin ang monopolyo ng mga taga-Venice sa kalakalang Silangan-Kanluran ang nagtulak sa mga ibang Europeo na humanap ng ibang daanan patungong silangan.
Ang mga salaysay ni Marco Polo tungkol sa mga paglalakbay niya sa China at ang karangyaan ng bansang ito ay nagging isa ring pang-akit.
Magellan |
Sa panahong ding ito umunlad ang agham at karunungan at sa mga bagong imbensyon ay kasama ang mga kagamitang sa nabigasyon gaya ng kompas, mapa at iba pang instrumentong pang giya. Nagbigay ito ng lakas ng loob sa mga nabigador upang puntahan ang mga lugar na hindi pa naaabot ng mga taga kanluran.
- Kasunduan sa Tordesillas
Lagazpi |
Dahil sa paguunahan o pagpapaligsahan ng Portugal at Espanya sa panunuklas o eksplorasyon, napairal ng isang dekreto ang papa ng Roma, Alexander VI na nagtatakda at nagsisilbing gabay sa pagtuklas ng dalawang bansa. Noong Mayo 3, 1493, binigyan ng papa ng karapatang ang Espanya na manuklas sa bagong daigdig at ang Portugal sa Africa. Binago ito noong Mayo 4, 1493. Gumuhit ng isang imahenaryong linya na nagmula sa hilagang polo patungong timog polo, 100 liga sa kanluran ng Azores at Cabo. Ang mga lupaing matutuklasan sa silangan ng linya ay sa Portugal at lahat ng mga lupaing nasa kanluran ay sa Espanya. Dahil sa pagtutol ng Portugal sa mga dekreto ng papa, pinagtibay ang kasunduan ng Tordesillas noong Hunyo 7, 1494.
- Pagtuklas ni Magellan sa Pilipinas.
Ninais ni Magellan, isang Portuges, na maglalayag upang hanapin ang Spice Island. Lumapit siya sa hari ng Espanya. Binigyan siya nito ng limang barkon at 264 na manlalayag.
Naglayag sila papuntang kanluran kahit ang Spice Island ay nasa silangan. Sa halip na makarating sa nasabing pulo, napunta sila sa pulong malapit sa Samar.
Dumaong sila sa pulo ng Homonhon noong ika 16 ng Marso, 1521. Sa baybayin ng Limasawa, ipinagdiwang nila ang unang misang Katoliko noong Marso 31, 1521. Naglayag sila patungong Cebu at nakipagkaibigan kas Rajah Humabon, hari ng Cebu. Noong ika 14 ng Abril, isa pang misa ang ginanap at ito ay sinundan ng pagbibinyag kay Rajah Humabon, ang asawa nito at 800 na katutubo. Sila ang kaunaunahang Kristiyanong Pilipino.
- Felipinas~Pilipinas
Taong 1543 dumating si Villalobos sa pulo ng Leyte. Siya ang nagpangalan sa ating bansa ng Felipinas bilang parangal sa haring Espanya, si Haring Felipe II. Dumating naman si Miguel Lopez de Legazpi noong 1565. Siya ang unang nagtayo ng unang pamayanan Kastila sa Cebu. Nagsimulang kumalat ang ia pang pamayanang Kastila sa Visaya at Luzon.
- Labanan sa Mactan
Nais mamahala ni Magellan sa buong kapuluan kaya’t humingi siya ng buwis kay Lapulapu, pinuno ng Mactan. Hndi pumayag si Lapulapu kaya’t nagsimula ang pag-aaway niya at ni Magellan. Noong Abril 27, 1521 ang labanan ay nag-umpisa sa pagsunog ng may 30 bahay ng katutubo na lalong ikinagalit ng mga ito. Tinamaan ng isang palasong may lason si Magellan na ikinalugmok nito. Pinagtulung-tuloungan ng mga mandirigma ni Lapulapu si Magellan. May sumibat at tumaga sa kanya hanggang siya ay mamatay. Dali-daling tumakas ang iba pang Kastila. Kasamang namatay ni Magellan ang walo pang Kastila at apat na katutubo.
Ang labanan sa Mactan ay an unang matagumpay na
pagtataboy sa dayuhang mananakop.
- Kolonisasyon ng Cebu, Panay at Maynila
Dumaong ang elspedisyon nina Legaspi sa pulong kung tawagin ay Sugbu, ngayon ay Cebu, noong Abril 27, 1565. Hindi sila tinanggap ng mga katutubo noong una kaya kinanyon ng mga Kastila ang mga katutubo. Sa takot ay nagsitakbuhan ang mga ito sa mga bundok. Matapos matiyak na wala ng hadlang, lumunsad ang mga Kastila. Dito nagtatag ng unang panahanang Kastila si Legaspi na tinawag niyang Villa De San Miguel na pinalitan din ng Santisimo Nombre De Jesus.
Mula sa Cebu ay pumunta si Legaspi sa Panay. Inakala niyang higit na ligtas ang Panay sa pananalakay ng mga Portuges. Higit ding sagana ang lugar na ito sa pagkain. Mula rito ay inutusan niya si Martin De Goite na maghanap ng iba pang lugar. Pinabalik din ni Legaspi ang isang barko sa Mexico na nagdaan sa isang bagong rotang natuklasan nila ni Fray Andres De Urdaneta. Tinawag na rin ni Legaspi na Pilipinas ang kapuluan.
Natagpuan ni De Goiti ang Maynila. Tinanggap naman siya ni Rajah Sulayman, ang puno ng katutubo sa isang pamayanan sa Maynila ngunit hindi nagtagal ang pagiging magkaibigan nila. Naghinala si Sulayman sa tunay na motibo ng mga Kastila kaya nagkaroon din ng mga paglaban. Sinunog ni De Goiti sa tulong ng mga Bisaya ang pamayanan sa Maynila. Noong 1571, si Legaspi ay lumipat sa Maynila. Tiniyak muna ni Legaspi na ligtas ang gagawin nilang pagdaong dahil sa nangyari kila De Goiti at Sulayman. Inihayag ni Legaspi na ginawaran na ang titulong Adelentado ang Maynila bilang capital ng Pilipinas noong Hunyo 24, 1571. Sumunod din ang pagpapadala ni Legaspi ng mga ekspedisyon upang ipagpatuloy ang pananakop sa iba pang pulo gaya ng Ilokos, Pangasinan, Mindoro at iba pa. Siya ang naging unang Gobernador Heneral ng kapuluan. Aging madali ang kolonisasyon sa tulong ng mga misyonero ngunit hindi nagtagumpay ang mga kolonisador sa Mindanao at Sulu. Sa kolonisasyon ng mga pulo, nanguna ang apo ni legaspi na si Juan De Salcedo. Siya ang namahala sa mga ekspidisyon sa hilagang kanlurang Luzon hanggang sa silangang bahagi ng Quezon. Nang mamatay noong Agosto 1572 si Legaspi, ipinagpatuloy ng sumunod na Gobernador Heneral si Guido De Lavenzares ang pananakop sa iba pang mga pulo.
- Ang Pamumuhay sa Ilalim ng mga Kastila
1.Ang Kabuhayan
a) Agrikultura- napilitan ang mga katutubo na magtanim nang labis upang makabayad sila ng tributo
b) Industriya- tinuruan ang mga tao na mag imprenta ng mga aklat, pagkakarpintero, pag- ukit, paggawa ng kandila, alak at asukal.
c) Pagbabangko- itinatag ang kaunaunahang bangkong Pilipino na pag-aari ni Francisco Rodriguez. Itinatag naman ang kaunaunahang bangko ng pamahalaang Insular, ang Banko Español- Filipino.
d) Komunikasyon at Transportasyon- nagkaroon ng telegrapo noong 1873 at telepono noong 1890. Ang kaunaunahang pahayagan ay ang Del Superior. Ang iba pang pahayagan ay La Esperanza, La Estrella, at Dyaryo De Manila.
0 comments:
Post a Comment