Sinaunang Pamahalaan
PAMAHALAAN: Mga pinuno, batas at hukuman
PINUNO: Rajah, Datu, Sultan
Tungkulin ng pinuno: Gumagawa at nagpapatupad ng batas, tagahatol, nagbibigay ng parusa, pinuno sa dogmaan, nagdedeklara ng digmaan, Nakikipagkasundo sa kalapit na barangay, Nagaayos ng gulo o away, Lider sa pananampalataya, atbp...
Mga Batas:
Ang mga batas ay pinagkakasunduuan ng matandang konseho at isinisigaw ng umalahokan ang bagong batas sa barangay. Mahigpit ang pagpapatupad ng batas. Malupit din ang mga parusa tulad ng pagputol ng daliri, pagiging alipin, kamatayan, atbp.
Lipunan:
Ang Maharlika ay binubuo ng kaanak ng datu.
Ang Timawa ay binubuo ng mga malayang tao.
Ang Alipin ay maaaring namamahay (may pag-asang maging timawa) o saguiguilid (wala nang pagasang maging timawa).
Pananampalataya:
Sinasaklawan nito ang kanilang mga kaugalian. Sa paglilibing, pagpapakasal, at sa pang-arawaraw na gawain. Marami silang pinararangalang diyos.
Mga Pamahiin:
Paglilibing: kasamang inilalagay sa kabaong ang mga paboritong kagamitan ng namatay, minsan ay isinansama ang isang alipin, paglulukasa sa pamamagitan ng pagsusuot ng puti, di pagkain at paginom ng alak,nagaayuno, baliktad ang paglalagay ng balaraw, atbp...
panliligaw: kailangang dumaan muna sa magulang bago sa anaak, paninilbihan ang pamilya ng babae, hindi maaaring magtagpo, magkakaloob ng bigay kaya ang lalaki kung nakapasa na siya sa unang pagsubok at maayos na pakikipag usap ng magkabilang panig.
Wika at Panulat:
May 17 titik lamang ang ginagamit noon. 14 na katinig at 3 patinig ngunit 5 ang gamit nito. Dagta ng kahoy ang ginagamit na tinta, dahon ng saging o malapad na dahon ng kahoy ang nagsisilbing papel, at ang lapis ay lanseta o pinatulis na bakal.
Welcome to "Tungkol sa Pilipinas | Ang Bayan ng lupang aking sinilangan!"
Ang blog na ito ay naglalaman ng mga koleksyon ng kasaysayan, magagandang tanawin, mga bayani at iba pang kaugnayan tungkol sa pilipinas.
Maraming salamat sa pagbisita sa blog na ito
"Pilipinas, Ang baya ng lupang aking sinilangan"
Paanyaya: Inaanyayahan ang lahat ng magbabasa na kung maaari ay mag-iwan ng kahit maikling mensahe sa bawat dulo ng bawat paksa. Ito ay upang maiparating sa sumulat kung ano ang kaniyang mga pagkukulang o kung ang wastong daloy ang naipatupad sa mga tagalog na tula. I-click lamang ang link (Post a Comment) na nasa ibaba ng bawat paksa.
Blog Archive
- December (35)
Karangalan kung malaman ang iyong botong bayani dito sa listahan.
Followers
Blog Stats
Kung meron kayong nais ipadala na mga paksa, mga larawan at iba pang kaugnayan tungkol sa pilipinas, ipadala jproudpinoy@gmail.com
Sunday, December 4, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment